Kundiman


Kung hindi man tayo …..

Haist, sana tayo na lang.

Mga katagang nagpapahina sa’tin. Walang kasiguraduhan. Walang assurance na kayo nga. Alam mo namang walang pag-asa, umaasa ka parin. Konting pagpapakita lang ng motibo nabibigyan na ng pag-asa. Maiisip mo rin na baka ganun lang talaga siya. Huminto ka na nga, nagparamdam lang sayo, go ka parin.

Ano yun nagpahinga ka lang? Tapos sugod ulit?

You must know your limit. Kung alam mong hanggang dun lang, wag pilitin. Ouch yan. Sarili mo lang sinasaktan mo. Oo, aminin nating Masaya ka kung ano meron kayo ngayon, ang tanong, till when? Till when ka magigising?

Kapag nalaman mong wala ng natira sayo? It’s never too late.

Tulad nito,

Para ka lang tatawid sa isang blind curve ng hindi aware na may paparating na palang sasakyan.

Para ka lang maglalagay ng asin sa kape mo ng hindi binabasa yung label nung lalagyan bago mo ilagay.

Para ka lang kukuha ng pera sa atm, ng hindi natakip yung isang kamay mo habang nilalagay mo yung pin.

Tao lang tayo. Si Superman nga na invincible nasasaktan padin eh, tayo pa kaya?

Think before you act. Masarap magmahal. Isasakripisyo lahat para sa taong mahal mo. Even though you’re hurt, you’d rather go for it than without that person with you. Love can make us strong, it can also make us weak. It’s inevitable.

Song : You’re Beautiful

Favourite Line : It’s time to face the truth, that i’ll never be with you.

2 thoughts on “Kundiman

Leave a comment